Thursday, September 22, 2011

"HBD" - Ganito Ka Rin Ba Bumati?







Tanong lang po; Halimbawa sa Facebook, pag birthday mo, may mga babati minsan sayo ng " HBD"  Sa tingin ninyo ok lang po ba na may mga bumabati ng ganyan? Concern lang po, baka kasi sa pasko magbatian na lang ng "MC!" tapos sa bagong taon "HNY!".  
- Maureen Tiamsic - Dulay


Magandang tanong.
Salamat.



Eto yung mga klase ng tanong na ganado kaming sagutin. Yung mga tipong tungkol sa mga kusang loob na nagpapakaretarded. 


Siraulo yang mga umi-"HBD!" pag bumabati sa Facebook pag may nagbirthday. 


"Happy Birthday" lang katatamaran pa ba yang i-type? Kung hindi ba naman pa-cool lang talaga yang mga taong yan. 


Feeling nila pag abbreviated, smart o sosyal. 


Una sa lahat, special na araw ng taong babatiin mo. Insulto lang kung babatiin mo sya ng shortcut. Muhka ka lang tinamad, at kaya ka lang bumati para batiin ka din nya pag ikaw naman ang may birthday, at madagdagan ang babati sayo, para mukang madami ang may paki-alam sayo.  


Pangalawa, "Happy Birthday"... two words lang yan. Baket "HBD"? Kung hindi ba naman tanga lang talaga ang gagawa nyan.


Ang tanong mo ay kung ok lang ba para sa amin na may mga bumabati ng ganyan? Oo naman, ok lang. Para pag-dating ng birthday nyo, malaman nyo kung sino sa mga kaibigan nyo sa Facebook ang pa-cool na tanga.  - MgaEpal.com

No comments:

Post a Comment