Huwag Kang Pabulag Sa Iyong Nakikita
Sa Mga Mukhang Iyong Nakikita
Pagka't Iya'y Maskara, Isanlibong Balatkayo
Balatkayong Kayganda Nguni't Isa Man Diya'y 'Di Ako
Ang Pagkukunwari Ay Natural Sa Akin
Ngunit Huwag Kang Padaya, Huwag Kang Pabulag
Nakilala Mo Ang Isang Ako
Na Ang Lahat Ay Kay Ganda, Tiwala'y Nasa Akin
Walang Puwang Ang Panimdim
Magaling, May Kapayapaan, Wasto, At Di Nangangailangan Ng Iba
Pero Huwag Kang Maniwala
Ang Panlabas Ko'y Maaaring Kayganda
Pero Yan Ay Paimbabaw
Sa Kaibutura'y Walang Kapayapaan, Walang Katahimikan
Naroon Ang Tunay Na Ako, Ang Nalilitong Ako
Takot At Nag Iisang Ako
Ngunit Iyan Ay Aking Itinatago
Ayaw Kong Malaman Ng Iba
Natataranta Sa Aking Kahinaan At Takot Na Ito'y Matuklasan
Kung Kaya't Ako'y Nagbabalatkayo
Ng Isang Nakakaaliw At Matatag Na Balatkayo
Gumagamit Ng Mga Tao,
Para Sa Aking Pagkukunwari, Mapagtakpan Ang Tunay Na Ako
Sa Mga Matang Lilingap At Magnanais Maarok Ang Aking Kaakuhan.
Subalit Iyon Ang Aking Kailangan
Matang Lilingap Ang Tangi Kong Kaligtasan
Kung Ito'y May Pagtanggap At May Kalakip Na Pagmamahal
Ang Hahango Sa Akin Sa Aking Mga Kabaliwan
Hahawi Sa Pader Na Pilit Kong Binakod Sa Katotohanan
Ang Magbibigay Buhay Sa Katauhan Kong Patay
Magbibigay Turing Sa Aking Katuringan
Datapwa't Iyan Ay 'Di Ko Tahasang Masabi Sayo
Ayaw Kong Mangahas, Ako'y Takot
Na 'Di Mo Matanggap, Pagtawanan, Iwasan
Takot Na Malaman Mong Sa Aking Kaibutura'y Abo At Putik Ang Laman
Na Kapag Iyong Natuklasan Ako'y Iyong Iwanan
Kung Kaya't Ako'y Naglalaro, Ang Laro Ng Pagkukunwari
Ng Panlabas Na Matatag Ngunit Panloob Na Mabuway
At Nagsimula Ang Parada Ng Balatkayo
Ng Mga Maskarang Panlabas
Nakikita At Nakakausap Mo Ang Aking Mga Paimbabaw
Nang Di Nalalaman Ang Tunay Kong Kaakuhan
Kaya...
Kapag Ako'y Nagsimula Na Naman...
Sa Pagbabalatkayo...At Pagkukunwari...
Makinig Ka...At Sikapin Mong Pakinggan...
Ang Mga 'Di Ko Sinasabi...Na Gusto Kong Sabihin...
Na Kailangan Kong Sabihin...Ngunit 'Di Ko Kayang Sabihin...
Ayaw Ko Nang Magbalatkayo
Magtago...
Mandaya..
Manggamit...
At Magkunwari...
Gusto Kong Malaman Ang Katotohanan...
Magising Sa Aking Mga Panaginip...
Sa Aking Kabaliwan...
Mamulat Sa Sarili Kong Kamalayan...
Gusto Kong Maging Totoo...
Maging Tunay...
Maging Sarili Ko...
Maging Ako...
Akong Ako...
Ngunit Kailangan Ko Ng Tulong Mo...
- Author Unknown
No comments:
Post a Comment