I can’t help but borrow some of the lines used by Bob Ong in his book ABNKKBSNPLAko? (mga kwentong chalk ni Bob Ong). These are the lines that struck me and indeed moved me into pondering the message he wants to imply.
Di ko alam kung magagalit ba si Bob Ong dahil hihiramin ko yung mga lines nya pero sana hindi.
Hiram lang naman e at sinabi ko naman na sa kanya to. Di ko rin alam kung papaano nya naisip yung mga sinasabi nya sa kwento nya.
Gusto ko sanang sabihin Iba ka Bob, iba ka!, kaso ayaw nyang sabihan cya ng ganun.
Basta sakin isa cyang HENYO!
”…..Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses ka madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
- Sobrang totoo. Ako mismo ilang ulit na ako nadapa, ilang ulit na akong naka gawa ng mga maling bagay pero parati kong sinisigurado na matapos ako madapa, tatayo ako, pag hihilumin ang kung ano mang sugat ang naiwan at matututo.
Hindi hihinto ang panahon para lang sa atin. The decision to stand up or not will either create or destroy you.
Minsan huli na bago pa natin maisip na tumayo at tanging pagsisisi na lang ang gagawin natin.
”..Napaka laking pagkakamali ang kalimutan ang pangarap mo.”
- sobrang halaga nito sa akin. Bata pa lang ako marami na kong pangarap. Para sa akin, walang karapatang mabuhay ang taong walang pangarap.
Pero sabi nga nila libre ang mangarap pero ang pangarap ay hindi libre. Sabi nga ulit ni Bob Ong, tuparin mo ang pangarap mo, obligasyon mo yan sa sarili mo. Di ko pa natutupad lahat ng pangarap ko, sana in due time.
Hindi ko man matupad proud kong sasabihin sa sarili kong “atleast I gave it a try”.
”…..Alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong
pinangarap nating baguhin minsan.”
Hindi lang puro sarili natin ang iniisp natin. Isipin din natin kung anong tulong ang magagwa natin para sa iba at para mundo. Hindi kailangang malaking tulong ito. Kahit simple lang ayos na.
Kung may taong humingi ng advice sa iyo bigyan mo ng mabuting advice.
Kung may hopeless na tao, dapat encourage natin na umasa ulit.
Mag share ng pagkain sa nagugutom…ganun lang ayos na yun. kabutihan na yun.
At sana turuan din natin silang gawin ang kabutihang ginawa natin sa kanila para masaya.
”…..Nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records nya, mas marami pa syang kayang gawin kesa sa naka lista sa resume nya, at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong naka sulat sa payslip nya tuwing sweldo.”
- Swak na swak. Kailangan pa ba ng explanasyon?
Basta walang makakatalo sa kung anumang meron tayo sa utak at puso natin.
…..Minsan pala kailangan rin ng lakas para sabihing mahina ka.
- Oo totoo. Ako hindi ko kinakahiya na marami pa akong hindi alam sa mundo. Na nagiging mahina din ako. Na kahit anong pag pre pretend ko na matibay at malakas ako, bumibigay pa rin ako.
Sabi nga sa kanta ni Gary V… They don't know that I come running home when I fall down.
They don't know who picks me up when no one is around.
I drop my sword and cry for just a while.'
Coz deep inside this armor….The warrior is a child.
No comments:
Post a Comment